This story is the sequel of Love Team. Pero kung hindi niyo man po mabasa yun, okay lang kasi hindi naman sa characters ng Love Team umi-ikot ang story na ‘to. But I hope you could also check it out. Now, enjoy! To God be the glory!



Download 0.71 Mb.
Page1/12
Date conversion28.05.2017
Size0.71 Mb.
  1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   12
Now

Should


Be

Forever


Written by Kharu435 of Wattpad

(kharu435@yahoo.com)

@October 2011-January 2012

Could now really last forever?”


All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional. Note that the names of the characters, time, place and events are story bound. Thank you. ^__^




(This story is the sequel of Love Team. Pero kung hindi niyo man po mabasa yun, okay lang kasi hindi naman sa characters ng Love Team umi-ikot ang story na ‘to. But I hope you could also check it out. Now, enjoy! To God be the glory!)

[PROLOGUE]
Maiksi lang ang buhay.

Ganyan ang palaging sinasabi ng marami.


Sa sobrang iksi, hindi mo na namamalayan ang paglipas ng oras.

That's why you have to spend the rest of your life with your loved ones.

You should be busy making yourself happy.

Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala sa mundo.


Pero paano kung malaman mo na kung kailan ang araw na yun?


Your days are NUMBERED.

Ni hindi mo pa nga nararanasang magmahal at mahalin.


You're HOPELESS.

But what if love comes..


In the most unexpected time and way?


Just when you thought everything would be over for you,

It just turned out to be the beginning of the life you've always been dreaming of.

But the question is..

Could NOW really last FOREVER?


(Credits to the pictures below. For imaginary purposes only. ^___^)

Israel “Popoy” Marques Kimberly Joyce Tiangco

Ace Gabriel Navaza Shayne Jimenez

Christian Lim Ciara Mae Clemente Ryan Louie Reyes Ezra Marques

Dexter Sanchez

Enzo Limuel Chu

Kurt de Leon

*black, bold fonts- EXTRAS

[Chapter 1]

“Pinsan, Room 435 ha? Bilisan mo!!” Pasigaw na sabi ng pinsan ko.


”Oo! Malapit na ako! Hintayin niyo ako jan!”
“Eh ‘tol! May pupuntahan din kaming mahalaga! Bilisan mo na lang! Sorry Poy!”
”ANO?? EH SINONG MAGBABANTA-----” Binaba niya ang telepono. Sh*t!

Kumaripas na ako ng takbo papunta sa pinaka-malapit na ospital. Ano ba kasi yung pupuntahan nila at mas importante pa ba yun sa nangyayari ngayon??

Naiinis din ako sa sarili ko, mas inuna ko pa ang barkada ko kaysa kay Mama!

Naka-rating ako sa ospital at nagmadali ako papasok.

Ah Sir! Saan po kayo?” Tanong ng nurse. Crap! Nagmamadali ako!
“Room 435!” Tatakbo na sana ako nang mag-tanong siya ulit. Bwisit!!

Kaanu-ano niyo po pala ang nandoon? Kada-dala lang po kasi ng pasyente na yun eh.”

”Siya ang pinaka-mahalagang babae sa buhay ko.” Iniwan ko na siya bago pa ulit magtanong. Ang daldal na nurse! Pati parang kinikilig pa siya. Ano kaya yun?

Kailangan pa bang tanungin kung ano ko ang nandun? Kung may common sense siya, alam niyang nanay ko yun! Isang mid-40s na babae, alangan namang kapatid ko? Tsk.


Takte! Ang bagal ng elevator! Kung pwede ko lang suntukin ’to, ginawa ko na eh.

Tumakbo na ako sa hagdanan, kailangan kong magmadali!!

Habang umaakyat ako, parang ang bagal ng oras. Naiisip ko lahat ng pinagdaanan namin ng nanay ko.

Siya na lang ang natitirang magulang ko. Iniwan kami ng tatay ko noon. Wala na kaming balita sa mga kamag-anak naming sa kanya, kaya yung mga kamag-anak ko lang kay Mama ang kilala ko. Wala na rin akong balak na maghabol sa tatay ko. Kaya naming dalawa ng nanay ko.

Kaya hindi ka pwedeng mawala Mama! Konti na lang, malapit na ako!

Isang floor na lang ang aakyatin ko.

”Room.. Haaaaaah! 435!” Hingal na hingal ako sa harap ng pinto. Takte. Kinakabahan ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Nakita ko siyang naka-higa sa kama at naka-talukbong ng kumot. Nakita kong humihinga pa siya.


”Pinakaba mo ’ko Ma.. Sorry.” Umupo ako sa tabi niya.


”Bakit ang payat mo yata ni Mama? Hindi ka na ba nakakakain ng ayos Ma? Napapabayaan ka nila Christian? Humanda yung mga yun sa’kin pag-uwi ko.”

Nakita ko rin yung kamay ni Mama, ang puti ah?

”Mukhang hindi ka na rin nakaka-labas ng bahay Ma.. Pangako, pag naka-labas ka na dito, ipapasyal kita kahit saan mo gusto, kaya pagaling ka ha?” Hinalikan ko ang noo niya.

Teka nga, nakaka-hinga pa ba ’to nang maayos? Nakatalukbong eh.

Dahan-dahan, tinanggal ko yung kumot.

.........

TEKA??!!! HINDI ITO ANG NANAY KO AH???

Masyado ’tong sexy at maganda para maging nanay ko! Hehe. Buti hindi ako naririnig ni Mama.

Patay! Magigising na siya!!

Unti-unti.. Iminulat niya ang mata niya. O___O

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!! TRESPASSEEEEEEEEEEEEERRRRR!!! RAPIIIIIIIIIIIIIISSSSSSST!! NURSEEEEEEEEEEEE!! HE-------“


“Shhhht!! Miss! Wag kang mag-iskandalo!! Hindi—“


“AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! TULONG!!!!!” Tinakpan ko na ang bibig niya.

“Miss.. Wag kang maingay..”

“Hmmmmmmmmmmmff!! Huhuh!!! MMMMMMMMMMmmmmmmmmmmmmm!!” Takte! Bakit yun ang sinabi ko! Mas lalo akong nagmukhang rapist! Anak ng pating naman oh!


”Miss, listen. Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo, but promise me na hindi ka na mag-iiskandalo, okay? Wala akong gagawin sayo. Ako ang biktima rito. =__=” Humanda kayo sa’kin Christian. Malalagutan ko kayo ng hininga.


Tumango siya.

”Nagkamali ako ng pasok ng room. Ay hindi pala, pinag-tripan lang ako ng mga pinsan ko. Sabi nila, nandito daw ang nanay ko! Sh*t.. Akala ko totoo na!”

She giggled.

”Don’t cuss.. Haha!”

”Ow. Sorry.” Napansin kong mukhang malungkot siya. Gusto ko siya biglang... Samahan..

”Bakit pala mag-isa ka?” Tanong ko.

”Wala namang naga-aksaya ng panahon para asikasuhin ako eh..”

”Pamilya mo?”

”Busy silang lahat.. *sigh* Palagi naman eh..”

”Eh.. Ano bang.. Sakit mo?” Pansin ko kasi masyado siyang maputla.

”Ha?? Ahh.. A-ano!! Wala!! Nakakatawa kasi ano... D-diarrhea lang!” Nahihiya niyang sagot.

Hindi naman nakakatawa yun ah?

Pfft.. Hmmm.. Pff. Sabi nang.. Haha! Hindi sabi nakakatawa eh! Wag kang tumawa Popoy.. Bastos ka! Haha!!

”Oh, hindi naman pala grabe talaga eh. Dehydration lang ang pwede mong makuha. Eh ang nanay ko, may sakit sa puso kaya talagang dapat puntahan agad.” Pigil ko ang tawa ko.


”Siguro nga.. Kasi hindi naman ako importante.”

”Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.. Syempre, kung malala ka.. Aasikasuhin ka nila..”

May binulong siya pero hindi ko narinig.


”Ako nga pala si Popoy.” Ang pormal yata nun. Yak.

”Popoy? Haha! Sounds weird. I’m Kim.” Pangalan ko? Weird? Aba, aba, aba.

“Hoy, anong weird??”

“Hey! Chiill! I mean, you look uhmm… cool! Astig, tapos pangalan mo Popoy? Haha!!” Tumawa siya.

Nawala yung inis ko nung tumawa siya. Eh?


Maya-maya, tumatawa na rin ako kasama niya.

Ano bang klaseng babae ‘to? Kahit may diarrhea, maganda pa rin. Sana pala lahat ng may diarrhea kamukha niya. Haha!!

Ack. Ang bastos ko naman +___+

[Chapter 2]

**Kim’s POV**


I never thought I would enjoy a stranger’s company.

Sandali pa lang kaming nagkaka-usap pero sobrang komportable na akong kausap siya, though wala akong alam sa kanya bukod sa pangalan niyang weird. ^___^


Eh kung ganito nga naman ka-good looking ang stranger, why not? Haha!

”Poy, may tanong ako.”

”Ano?”

”Popoy ba talaga ang pangalan mo?” Duda kasi talaga ako. Haha!

”Hindi.” I knew it!!


”Eh anong tunay mong pangalan? Full name na.”


“Israel Marques.”


Eh??


“Israel?? Popoy? Ang lapit ha?? Saan naman nahugot yung Popoy?” Kung makapag-react ako, kala mo close talaga kami eh no. Haha!

Namula siya bigla. OmO


”Dali naaaaaaaaa!! Sabihin mo na!!!” I’m dead curious! Haha!


”Wag na. Nakaka-hiya..”


“Pfft. Mas nakakahiya pa ba sa pag-sabi kong may diarhhea ako?” Crap, inulit ko na naman.


He sighed.

”Kasi, nung bata ako.. Paborito ko daw yung.. Yung Popoye the sailorman..”

SERIOUSLY???


“O-oh?? T-tapos??” Grabe na!!! Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang pigilin ang tawa ko. I don’t want to offend him. Haha! Mas mukha pa siyang constipated kesa sa’kin! XD

“Ayun.. Palagi ko daw.. Kinakanta yung kanta nun.. Tapos.. Imbis na Popoye… Popoy ang sinasabi ko.. Kaya yun ang tinawag nila sa’kin..” Mahina niyang sabi. I even heard him cuss. Haha!!


It’s really funny! Kung pwede lang humiga sa sahig kakatawa ginawa ko na. But he look so cute while blushing!! Kanina lang mukha siyang astig at cool, ngayon.... No comment haha!


“Hindi ka ba tatawa? Hindi mo ako tatawanan?” Tanong niya. Naku, kung alam mo lang. XD


”There’s nothing wrong with uhmm.. Popoy. Cute naman eh! Haha!” Nag-blush ulit siya. Haha!!


“Eh ikaw, full name mo?” Tanong niya.

“Ah, Kimberly Joyce Tiangco.”

“Tiangco?”

“Yup ^___^”
“Tiangco?? As in.. Masakit ang TIANGCO??!! PUHAHAHAHAHAA!!!” He’s laughing like there’s no tomorrow. =____=

Pagkatapos kong pigilan ang tawa ko kanina, eto lang?


“Hey!! Wag mong babuyin ang last name ko! Bwisit ka!”


“S-Sorry!! Haha! Hindi na, hindi na talaga.. ahaha!” Pinakalma niya ang sarili niya.

”Hmpf.”

”Sorry na, haha! Nga pala, kelan ka raw makakalabas?”

”Hindi ko pa alam eh.. Wala pang update ang doctor ko.”


”Eh gaano katagal ka na ba rito?”


”Magwa-one week na siguro..”


”Ang tagal mo na pala? Kaya pala ang putla mo na.”


Aww.. Maputla na ba talaga ako? T___T


”Edi ang tagal mo nang absent?” Tanong niya.


”Obvious ba?”

”Sabi ko nga. Haha! Anong year mo? Saang school?”

”Senior, Eastmead High..”

”Oh? Pareho tayo!! Section mo?” Pareho kami? Bakit di ko siya nakikita??

”IV-2, ikaw? Ang galing!!”

”Aww. IV-4 ako eh.” Kaya pala, hindi naman ako gala sa campus.
Tumingin siya sa orasan.

”Hey, Kimmy. Tanghali na pala, Kailangan ko nang umuwi, baka nandun na si Mama. Uhh.. Bibisitahin na lang kita rito kapag may time ako, para hindi ka naman lonely. I had a great time. Salamat.” We shaked hands and he headed to the door.


“Uhmm.. Kim?”

“Yes?”

“Tawag ka ng nurse kapag sumakit yung TIYANMO ha?? HAHAHAAHA!!!” Tumakbo siya palabas.


LALAKING YON?? UGH!! Bakit ko kasi sinabing may diarrhea ako!


Napangiti na lang ako nung ma-realize kong mag-isa na lang ulit ako sa kwarto. Ilang linggo na ko rito, pero ito pa lang ang pangalawang beses na may bumisita sa’kin. Una, nung hinatid ako rito pagkatapos kong mag-collapse sa school.


Bilang lang din ang mga ka-close ko sa school. Tapos busy ang lahat doon palagi.. No one has their time for me.


Pero si Popoy, ni hindi ako kilala.. Within an hour, he became one of those few persons who knows me.. The other side of me.. The real me.

Siguro, kapag nagkita kami sa school, maninibago siya sa ugaling ipapakita ko. Pero mukhang matatagalan pa ako rito eh. *sigh*

Till then, I’m looking forward to seeing him again.


[Chapter 3]
**Popoy’s POV**
Naka-ngiti-- Ay. Nakatawa pala.

Nakatawa akong lumabas sa room 435. Sinong maga-akalang mage-enjoy ako ng todo na kausapin ang isang babae na ngayon ko lang nakilala? Masaya siyang kausap at kwela rin. Hindi siya maarte at hindi rin pa-cute katulad ng iba. Hindi mo mahahalatang may sakit siya.

Kung tutuusin, diarrhea lang nga naman kasi ang sakit niya. Pero siguro mahina rin ang resistensiya niya. Kapag ako kasi, nagkaka-diarrhea, banyo lang ang katapat.

Pumasok sa isip ko yung nurse kanina. Kaya pala parang kinikilig yun kanina? Crap. Nasabi ko pa yung cheesy line na yun sa kanya. Malay ko bang hindi naman pala nanay ko ang nandun?


At hindi porke’t nag-enjoy ako kasama ng taong nasa kwartong yun eh maliligtas na ang mga pinsan kong ulol. Humanda sila pag-uwi ko. Alam kong nagta-tago na yung mga yun ngayon. Ganun naman sila eh. +__+


Buwan-buwan may bago silang plano para pagtripan ako. Malala nga lang talaga yung ngayon. ’Wag lang silang papahuli sa’kin.


Tinext ko si Mama kung nasaan siya, nasa bahay pala nung bestfriend niya. Hahayaan ko na lang siyang mag-enjoy dun, ayaw kong makita niya ang madugong kahihinatnan ng mga pinsan ko, lalong lalo na si Christian, siya ang pinaka-ulol samin.


Tinext ko rin si Christian na hindi ko naman usually ginagawa.


To: ‘Insan


Prepare to die.

Nakanaman!! Lambot na ang tuhod niyan panigurado. Haha! Kahit naman mag-tago sila, pare-pareho lang kami ng pinapasukan, kaya makikita’t makikita ko sila. Yun nga lang, sa Lunes pa. Sabado lang ngayon eh.


Maya-maya, tumunog yung cellphone ko.

Tumatawag si Kurt, tropa ko.

”Oh, P’re, napatawag ka?”

“’Tol, busy ka?” Kapag nag-tatanong siya kung busy ako, ibig sabihin may problema.

“Bakit?”

“May riot eh.”

“Saan? Sino sa tropa ang napasama?”

”Sa 3rd street. May mga trespassers kasi galing sa kabilang grupo, nagka-taong napadaan doon sina Dex at Louie. Kahit pa kayang-kaya naman nila ang mga ga**** yun, masyado silang marami kaya dehado sina Dex..”


”Sakto, malapit na ako dyan. Susunod pa ba kayo?”

”Tss. ’Di na, kaya mo na yan tsong.”

”Tamad ka talaga. Haha! Sige”


Binaba na niya yung telepono. Si Kurt ang nakaka-alam ng lahat ng nangyayari sa mga teritoryo namin, kapag may gulo, ire-report niya kaagad sa’kin. Ako ang boss eh. Haha! Pero tropa ko silang lahat. Buong kalye ng village namin eh teritoryo namin. Twenty-four streets lahat-lahat. At kung inaakala niyo na salot ang turing sa’min ng mga naka-tira rito, maling-mali kayo.


Parang mga superhero kami rito. Yung mga gang lang naman sa ibang village ang mahilig manggulo. Armado sila palagi kaya hindi kaya ng mga tanod. Sa amin na sila pinapaubaya. May access din kami sa mga CCTV cameras sa buong village at obviously, si Kurt ang may hawak nun. Barkada rin namin pati mga guards dito.


Hindi rin kami yung tipo ng gang na hithit dito, tungga doon. Hindi kami cheap.


Game na game lang kami sa bakbakan. Yun lang. Anak mayaman kaming lahat eh. Gwapo pa. B’D


Pagka-liko ko sa 3rd street, nakita ko kaagad sila. May konting galos na sina Dex at Louie, mga sampu na ang bagsak sa kalaban at may sampu pang natitira.


”Mga tsong! Pagod na kayo. Ako na dyan.” Sabi ko.


”Poy!! Sige, amoy pawis na kami. May date pa kami!” Sabi ni Dex. Tinapik nila ang balikat ko at umalis na.

Hindi sila duwag, alam lang nila na hindi ako mahihirapan dito. Kaya nga leader ako eh.



”Oh, sino naman ’tong mayabang na ’to?” Sabi nung isang matangkad. Tss. Mukang Frankenstein.

Akala niya siguro kaya niya tayo. Eh yung dalawa niya ngang kakampi hindi tayo kinaya eh. Siya pa kaya na mag-isa lang?” Aba, minamaliit ako ah.

Nag-bang sign ako sa CCTV camera sa may light post. Alam kong nanunuod si Kurt doon.


Nayabangan yata sa inasal ko yung mga kalaban at nag-simula silang sumugod. Nauna yung pinakamaliit. Ano ’to, by height?



”Yaaaaaaaaaahhhhhhh!!!” Sinubukan niya akong suntukin.

”Ay teka, yung sintas ng sapatos ko natanggal.” Yumuko ako at inayos yung pagkakabuhol ng sintas ko. Dahil dun, natisod yung susuntok sa’kin at naka-iwas ako. Boring. =___=


Inis na inis yung bugok at sinubukan ulit akong suntukin pero tumagilid ako at naka-iwas ako sa kanya.

”Yan lang ba? *yaaaawn*”


Aba’t bastos ka ah? BOYS! Sugod!” Nagsabay-sabay na sila. Hay. Kahit gawin niyo ‘yan, wala kayong mapapala.


Susuntok sila, iiwas ako at sisipain sila. Kapag natumba na, tatapak-tapakan ko pa. Kapag makulit, sinisikmuraan ko na. Takte, ang gagabok nila. =__=


”Oh, sino pa? Dali. Maliligo pa ako.”


Nag-takbuhan sila palayo. Tsk. Mga duwag.


Nagulat na lang ako nang lumabas lahat ng tao sa mga bahay nila magpalakpakan. Aba nga naman, heroes’ welcome! Haha!


”Sige po..” Sabi ko at nag-lakad na pabalik sa bahay.

Pag-uwi ko sa bahay, wala pang tao. Mukhang nagtatago nga yung mga pinsan ko, hindi sila naka-tambay eh. Dapat lang.

Naligo ako at nagbihis. Ano kayang gagawin ko?

Matutulog na lang sana ako nang maalala ko bigla ang dapat kong gawin.

TAKTE. MAY TATLONG PROJECT PA NGA PALA AKONG GAGAWIN!!




[Chapter 4]
**Kim’s POV**

Nagising ako nang may kumakatok sa pintuan. Nurse siguro. Haaaaay! Magda-dalawang linggo na akong confined, and I’m fine already! Tumataba na nga yata ako kasi masyado silang segurista sa pagpapa-kain sa’kin, at hindi naman ako nakakapag-exercise masyado.

“Pasok po.” Sagot ko sa kumakatok.



“Anak!!!” I gasped.

“Mommy??!!” Tumakbo papunta sa’kin si Mommy.



“Kyaaaaaaah!! I missed you baby, Sorry ngayon lang ako naka-dalaw ah? Alam mo namang busy sa work si Mommy. Inaalagaan ka ba nila nang maayos dito?”

Baby daw, 16 na kaya ako! Haha!


“Yup Mom, tumataba na nga ako oh!!”



“Haha! Okay lang yan! You’re still beautiful, mana ka sa’kin eh!” Yeah! Mana talaga ako sa Mommy ko. Kung titingnan nga parang kapatid ko lang siya. Hindi naman siya nagpapaayos ng mukha. Kyaaaah! Sana ganun din ako paglaki ko. Hoho!

“Haha! Eh, si Dad po pala?”



“Eh? Kanina lang katabi ko siya ah?”

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Daddy na mukhang haggard na haggard.

Oh my gosh Siopee, what happened to you???” Siopee at Siomee ang tawagan nina Mommy at Daddy. Hindi nila sinasabi kung bakit huhu.. Pero sabi ng mga kaibigan nila, nakaka-inlove daw talaga ang love story nila.


”Kanina lang naka-sunod ako sa’yo, eh bigla na lang may humila sa’kin at pinagkaguluhan na ako.” Ang gwapo mo kasi Dad. Haha!

”Tsk. Kawawa ka naman.
Haha!” Sabi ni Mommy.
Ang saya naman, family day kami! Haha! Solong anak lang ako kaya sa akin lahat ang attention nila. Ayaw na nila akong sundan, kasi mahirap mag-buntis si Mommy. Mabuti na nga lang at naka-survive kaming dalawa ni Mommy non.

Ay! May kuya pala ako, si Kuya Sio-Sio. Yung stuffed toy na binigay daw ni Daddy kay Mommy noon. They’re one weird couple, aren’t they?

At tungkol sa mga nasabi ko na hindi ako mahalaga sa kanila at palagi akong mag-isa, well.. Nagda-drama lang ako nun. Malungkot kaya masyado ang mag-isa sa hospital! Busy palagi sina Mommy at Daddy sa trabaho nila. Pero naiintindihan ko naman, immature lang talaga ako at times.


”Nga pala anak, may good news kami sayo!” Sabi ni Mommy.

“Really? Spill it Mom!”




“We’re going home!! Because you’ve been a good girl, makakalabas ka na! Kaya dali, mag-bihis ka na, ininvite namin ang mga close friends mo, maghahanda tayo ng konting celebration para sa’yo..”

“Talaga!! Kyaaaaaaah!! I’m really happy!!”

Sa wakas!! After two weeks, hello real world na ulit ako!!


Promise iwasan ko na talaga na maospital ulit, though hindi ko alam kung maiiwasan ko nga yun. Ayoko na sa hospital! I hate needles!


Ayoko rin na nagaalala silang lahat sa’kin. Ingat na ingat pa naman sila sa’kin. Kaya nga lahat ng gusto ko binibigay nila. Only child nga ako kaya gusto nila masaya ako palagi.


Si Mommy naman, ang bilis umiyak sa tuwing magfe-faint ako! I’m not that close to dying! Okay pa ako, nakakapang-bully pa nga ako eh! Oops. My bad. Haha!
They allow me in everything I want to do pero syempre, yung mga safe na bagay lang naman at yung hindi bad influence.

Hindi pa naman ako pinag-babawalan sa strenuous activities kaya pati yung mga activities na hindi karaniwang ginagawa ng typical girls eh pinapasok ko. My parents are proud of me!

Nakakatuwa rin na hinayaan nila akong matuto ng self-defense. Kaya ni minsan, hindi ako nagalaw ng mga nag-tangkang gumalaw sa’kin. They faced my fist and the heels of my feet instead. ^______^ Ang astig kaya! Pati nga yung bestfriend ko nai-inlove sa moves ko. Haha! Joke.

Marami pang bagay-bagay tungkol sa sarili ko na hindi alam ng marami. Well, lalabas at lalabas din yon.


For now, e-enjoyin ko muna ang feedom ko!! Horraaaaaaay!!



[Chapter 5]

**Kim’s POV**

“Kyaaaaaaaaaah!! Fresh air!!” Sabi ko habang nagi-inat pa. Grabe! Hindi ko akalaing mami-miss ko nang ganito ang outside world!

Pauwi na kami sa bahay. Tutal, Sabado pa lang naman ngayon, makakapag-party pa kami the whole night and then bukas, gigimik naman kami ng friends ko. Kailangan ko rin silang maka-usap tungkol sa mga lessons na na-miss ko nung wala ako. Siguradong madami-dami akong hahabulin!!


”Mom, Sino ba mga tinawagan niyo para sa mini party?”

Syempre yung mga friends mo, tapos nag-invite na rin kami ng ilang mga kaibigan namin ni Daddy mo.”

”Ah.. Okay!”

Malayo-layo rin ang hospital sa bahay. Hindi ko rin maintindihan pero feeling ko pagod na pagod ako, eh nakahiga lang naman ako sa loob ng dalawang linggo. Nakakapagod mag-isa. Chos. Haha!


”Mommy, Daddy, makaka-pasok na ba ako sa Monday?”



”Uhuh. Sabi ni Dra. Mijares pwede na raw, as long as you’ll not force yourself. You should avoid stress and unhealthy food.” Sabi ni Mommy. Aww..


“AND, Sorry but no gimiks and hanging-out for a week, okay? Kailangang makapag-pahinga ka para mabawi mo ang lakas mo. Do you get me?” Sabi ni Daddy habang nagd-drive.

“Can I use my motorcycle?”



“No.” Sabi ni Daddy. >O<

“The car, then?”



“I’m sorry sweetie but no.. Dito ka muna sa bahay..” Si Mommy. >O<

*sigh*


“Okay, I understand..”

Aww. Akala ko pa naman makka-gimik na kami ng BFFs ko bukas. Well, okay na rin siguro ang party mamaya. Marami pa namang time para sa gimiks eh. Mahal ko rin ang sarili ko no! Hindi ako pwedeng mag-pabaya.


Maya-maya, tumigil na ang kotse and at last!! We’re hooooome!

Nakikita ko na yung mga maids na naga-ayos ng garden. Waaaaaw, mukhang masaya!

Bumaba na kami ng kotse at sinalubong ako ng mahigpiiiiiiiiiiiiiiiit na yakap ni Aling Maria, yung head maid namin.

”M-manaang! Mahigpit na masyado! Haha!”


”Naku! Na-miss kitang bata ka! Halika, pasok na po tayo, Sir, Ma’am. Nakahanda na po ang garden at may mga bisita na rin.”

”Sige, Thank you Manang.”


Pumasok na kami at doon, kinuyog naman ako ng bestfriend ko at ng mga pinsan ko. Waaaaaaaa! Na-miss ko sila! Haha!


”Bruhaaaaaaa! Na-miss ka namin! Haha!!” – Shayne. Bestfriend ko.



”Girls, hinay-hinay lang ah, kalalabas lang niyan!”
Sigaw ni Daddy.

Nag-diretso kami sa picnic garden pagkatapos naming kumuha ng mga pagkain. Waaaaaa, sa wakas.. Hindi menu sa ospital. Haha!


”Girl, ang boring siguro ng stay mo dun ’no?”

”Supeeeeeeer! Tatlong beses nga lang akong nabisita eh!”
”Tatlo? E ang pagka-kaalam ko, dalawang beses lang dumalaw ang parents mo sayo. Sino yung isa pa?”

Bigla kong na-alala si Popoy. Napa-ngiti ako bigla.


”Whoa whoa!! What’s with the smile?? SHARE!!”

”Wag ka nga! Wala yun. Haha!”

”Aba, nagsi-sikreto ka na ha?” Kinulit ako nang kinulit ni Shayne at wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya ang nangyari the other day.

”EEEEEEEEEEEEEH?? AS IN MEGA GWAPO? MADAYA KAAAAAA!!” Ouch. Tenga ko +__+
”Ano ba! Wag kang sumigaw! Eh kasalanan ko bang may gwapong magkamali ng pasok ng room? Haha!!”

“Ewan!! Ang gulo mo naman eh, kasing gulo ng apelyido mo! Kukuha muna ako ng barbeque! Amp!”


Iniwan ako ni Shayne at pumunta siya sa table. Baliw talaga.

Bakit nga pala niya nasabi na magulo ang apelyido ko? Well, magulo naman talaga.


I’m Kimberly Joyce Tiangco, only daughter of Mr. Paolo and Mrs. Yna Valenzuela.


See? Sila, Valenzuela while Tiangco naman ako. Magulo kasi. Pero biological parents ko talaga sila.

Delikado kasi talagang mag-buntis si Mommy kaya hindi na ako nasundan. Noong maipanganak niya ako, ilang araw siyang hindi magising, or buwan daw ata? Grabe nga eh, sobrang depressed daw nun si Daddy.

Sa sobrang paga-asikaso ni Dad kay Mom, hindi niya ako maalagaan ng ayos kasi malayo yung mga kamag-anak namin. Wala siyang ibang matakbuhan kundi sina Tita Sandi at Tito Cedrick, yung bestfriends nila.

Iniwan nila ako dun. Hindi pa ako nabibinyagan. Dahil hindi nila ako maasikaso, sina Tita Sandi ang nagpa-binyag sa’kin at sa kanila ako for one year. Pinasunod nila ako sa apelyido ni Tito Ced since karapatan daw nila yun at wala pa rin silang anak nun. Tinuring nila akong anak nila kahit na nasa poder na ulit ako nina Mommy.


Hanggang ngayon, hindi nila binabago ang last name ko biglang pagtanaw na rin ng utang na loob kina Tito. Wala namang problema pagdating sa mga papeles at data tungkol sakin kasi settled na lahat yun.


Ang gulo, alam ko. Haha. Pero sobrang proud ako sa surname na dala-dala ko. Kaya ang sarap umbagan nung lalaking tinawanan nang wagas ang last name ko +__+


”Na-picturan mo ba siya?” Tanong ni Shayne pagka-balik niya.

”Duuuh. Wala akong dalang Cellphone sa hospital at lalong walang camera. Saan ko naman gagamitin yun diba?”

“Okay, eh nahingi mo ba ang number?”

“Ano ako, desperada?!” I rolled my eyes.

“Eh pangalan? Natanong mo?” Putek. Mas curious pa kesa sa’kin. >__<


“Israel.. P-Popoy.. Marques.” Muntik na naman akong mapa-halakhak nung banggitin ko yung Popoy. Hoho!!


O______O --- Mukha ni Shayne.


“Nang-yari sa’yo?!” Bigla na lang natulala.

“SERYOSO KA BA??”

“Mukha ba akong nag-bibiro?”


“TALAGANG SI ISRAEL MARQUES ANG NAKA-USAP MO??”


“OO NGA!!! Wag kang sumigaw!!”

“Sorry naman! Grabeeeee!! Ang swerte mooooo!!”

“Ha?”

“You’ve had a LOOOOOOOOOOONG conversation with Israel Marques, sikat yun sa village namin at lalong-lalo na sa school! Trending topic siya lagi sa forums ng school natin, lagi lang kayong naghahabulan sa hot list ng personalities sa campus. DUUUUH, palibhasa yung profile mo lang ang tinitingnan mo!!”

Teka? Popoy… O___O POPOY MARQUES?? Bakit hindi ko kaagad na-recognize yung pangalan niya? Shame on me!!

”Oh, na-realize mo na?”

”Oo, ngayon ko lang na-realize!!” Napa-tulala na lang ako.

Siya pala yung Popoy na sikat a school, sa forums and sa websites. Palaging sinasabi ni Shayne na nahahabol na ng isang “Popoy” ang rank ko sa hot list ng school. Kung minsan, tie kami. Can’t blame them. He’s a hottie >__<


Bakit kasi di ko siya kilala? Kapwa ko sikat di ko kilala. Argh. Haha!


”Eeh!! Edi close na kayo? Tapos papasok ka na sa Monday?”

”Malay ba natin kung isnabero pala yun sa personal?”

”Well, madalas cold yung aura niya at palaging naka-sunod sa kanya yung barkada at mga pinsan niyang umaapaaaaaaaw sa coolness at kagwapuhan. Pero malay mo? Nabiktima rin siya ng beauty mo?”

”Sino bang hindi? Haha!! Joke!”

”Whatever. Basta! Kapag close kayo, ihingi mo ko ng number ah? ^__^”

”Dream on, Shayne.”

“Daya!! Kahit mga pinsan na lang niya! Haha!”

“Ikaw, isa ka pang Landirella eh..”

“Mana ako sa’yo eh.”

Nag-chikahan lang kaming dalawa. Pero napa-isip ako. Ano nga kayang mangya-yari kapag nag-kita kami sa campus? Mabait pa rin kaya siya? Kilala pa niya kaya ako? Aba, siguro naman. Hard to forget ako eh. Haha! Joke ulit.

Israel ”Popoy” Marques. I’ll remember that name. ^__^




  1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   12


The database is protected by copyright ©hestories.info 2017
send message

    Main page